Pinirmahan na nina Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran ang kasunduan na naglalayong magbigay ng 50,000 US dollars na tulong para sa infrastructure poject at development facilities ng mga kwalipikadong local government units (LGU).
Inihayag ni Abalos na tutulungan ng bansang India ang mga local government units na mag-finance sa mga proyekto kagaya ng kalsada, tulay at mga community centers sa mga paaralan, kalusugan at development facilities.
Samantala, sinabi ng Indian Ambassador na ang kasunduan ay isang milestone ng mabungang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at India.
Pinasalamatan ni Kumaran si Abalos dahil sa magangdang pananaw nito, leadership at decisive intervention bilang pagseguro na magiging fruitful at mabilis ang nasabing kasunduan.