-- Advertisements --

Magpupulong ngayong araw ang mga opisyal ng Depeatment of Interior amd Local Government (DILG) at University of the Philippines (UP) sa Camp Crame.


Ito’y Kasunod ng pagpupulong kahapon ng Department of Defense at University of the Philippines para ayusin ang gusot sa pagbasura ng kasunduan na nagbabawal sa mga pulis at sundalo sa loob ng unibersidad ng walang paalam.


Magugunitang nagkaroon din ng sariling kasunduan noong 1992 ang DILG at UP matapos na ihiwalay ang pulis sa militar at maisailalim ang PNP sa DILG.


Ayon kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, sa ilalim ng kasunduan, kung may kailangang arestohin o imbestigahan sa loob ng UP ay kailangang ipaalam muna sa pamunuan ng UP, na inaabot aniya ng siyam-siyam.

Kung sakali aniyang kanselahin din ang kanilang kasunduan sa UP, maging mas madali na access ng mga pulis sa unibersidad para gampanan ang kanilang tungkulin.


Pero tiniyak ni Sinas na kung saka-sakali ay hindi naman makikialam ang mga pulis sa kalakaran sa loob ng paaralan at ang pag-mantini ang ng peace and order lang kanilang gagawin.


Gayunpaman, ipinauubaya na ni Sinas sa DILG ang kahihinatnan ng naturang kasunduan.