-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Magpapatuloy pa rin ang isasagawang audit ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol sa lahat ng local government unit sa rehiyon sa mga susunod na araw.

Ito’y matapos na manguna ang rehiyon sa may pinakamaraming local chief executives na bigong makabuo ng Anti-Drug Abuse Councils (ADACs).

Ayon kay DILG Bicol Director Atty. Anthony Nuyda sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sa 51 na nakasuhan ng DILG, 15 dito ang mula sa Bicol region.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga LGUs upang tulungan ang mga ito na mapunuan ang kanilang mga pagkukulang sa activation ng ADAC.

Paliwanag pa ni Nuyna na halos lahat naman ng lokal na opisyal ang nakiki-isa sa laban ng pamahalaan kontra iligal na droga subalit walang documentation ang mga ito na pangunahing requirement ng Ombudsman.

Matatandaang tatlong alkalde na mula sa Bicol ang pormal na sinampahan ng kaso dahil sa bigong pagpapatupad ng functionality ng ADAC.