CEBU CITY – Bumilib umano si Interior Undersecretary Epimaco Densing III sa kalinisan at kaayusan ng mga sidewalks sa lungsod ng Cebu matapos itong ininspeksyunan.
Ito’y matapos na isinagawa ng Cebu City government ang road clearing operation alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanggalin ang kahit anong mga naging sagabal sa mga major roads.
Nagulat si Densing sa naging resulta ng clearing operation lalo na sa Colon Street at OsmeƱa Boulevard kung saan marami ang mga naghahanap-buhay sa sidewalk.
Ayon kay Densing na hindi umano ito makapaniwala na magagawa ng local government ang pagsasaayos ng sidewalk habang inilipat naman ang mga apektadong sidewalk vendors sa mas angkop na lugar.
Ngunit nilinaw din nito na hindi pa nya masasabi ang resulta ng naturang inspeksyon dahil iba-validate naman ang assessment ng clearing operation sa mga concerned agency gaya ng PNP, Bureau of Fire Protection, at iba pa.
Dagdag pa ni Usec. Densing na kailangan pang i-sustain ang kaayusan ng nasabing mga major roads.
Kung maalala ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang mga sidewalks sa pamamagitan ng pag-aalis ng kung anumang obstruction sa daan.
Nahaharap naman sa suspension ang mga local chief executives kung hindi sila sumunod sa kautusan ng DILG.