-- Advertisements --

Mahigpit na binalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga politiko na huwag ng makisawsaw sa mga nagsusulputang community pantry.

DILG eduardo Ano IATF facemask

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano na kabilang sa inilabas nilang guidelines ay ang pagbabawal sa mga tinatawag ng mga epal politicians na maglagay ng mga tarpaulines, billboards, posters o kahit ibandera ang kanilang mga pangalan.

Dapat ding tiyakin ng mga organizers ng mga community pantry na nasusunod ang mga health at safety protocols dahil hindi sila magdadalawang isip na ipasara ang mga ito.

Gaya ng napag-usapan din ng mga alkalde, dapat ay makipag-ugnayan ang mga community pantry organizers sa kanilang mga local government units (LGU).