-- Advertisements --
DILG USEC MARTIN DINO
MARTIN DINO/ FB POST

CAGAYAN DE ORO CITY-Binalaan ni Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary Martin Diño ang mga punong barangay sa buong bansa na nagsisinungaling sa kanilang isinumite na report sa Barangay Anti-drug Abuse Council o BADAC.

Itoy matapos nakatanggap ng ulat ang kalihim na hindi umano totoo ang nakalagay sa kanilang report na sila’y drug free barangay na.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Diño na siya mismo ang magsusuri sa isinumiteng report ng nasabing mga barangay para malaman kung totoong wala nang mga drug pusher at drug addict sa kanilang nasasakupan.

Hindi umano pwedeng gawing ka-tawa-tawa ng mga barangay chairmen ang mahigpit na illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Diño na kanya ring ipasailalim sa inbentaryo ang pundo ng lahat na mga barangay sa buong bansa para malaman kung saan ito pumupunta at ano ang ginagastusan nito.