Binatikos ni nterior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III ang resolution na inilaban ng San Francisco Board of Supervisors laban sa kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.
Iginiit ni Densing na walang basehan ang resolution na ito, at tartget lamang na i-discredit ang Duterte administration.
Para kay Densing, ang resolution na ito ay binuo ng mga Pilipinong tutol o kritikal kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“These are statements of a group of Filipinos or former Filipinos who are really anti-Duterte; ito yung mga Pilipino na masasabi nating they are very liberal, members of the liberal,†saad ni Densing sa isang panayam.
Nakasaad sa resolution na iniakda ni Congresswoman Jackie Spier na kinokondena ng San Francisco Board of Supervisors ang gobyerno ng Pilipinas dahil daw sa “state-sanctioned extrajudicial killings by police,” gayundin ang pagkakabilanggo ni Sen. Leila de Lima.