-- Advertisements --

Ibeberipika ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ulat na may ilang mga probinsiya na pa rin tumatanggap ng mga turista kahit na niluwagan na ang travel protocols mula sa COVID-19 task force.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III, kakausapin niya ang nasabing mga probinsiya para ipaliwanag ang kahalagahan ng pagbubukas ng ekonomiya.

Sa nasabing protocols ay wala ng COVID-19 testing at level ng LGU.

Paglilinaw nito na hindi naman tinatanggal ang karapatan ng mga local government units kung magpatupad sila ng testing.

Reaksiyon ito ni Densing matapos ang naging pahayag ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) na ang mga probinsiya ng Iloilo, Kalibo, Bacolod, Tacloban, Cagayan De Oro at General Santos.

Magugunitang iminungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na hindi na kailangan ang testing at pag-quarantine sa mga magtutungo sa ibang mga lugar.