-- Advertisements --

Hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga local executive na strikto at regular na inspeksyunin ang mga resort, restaurant at iba pang business establishments para mapigilan ang ilegal na operasyon sa bansa.

Inisyu ng kalihim ang naturang panawagan matapos mag-apply ang ilang unscrupulous groups ng business permits para sa resorts o restaurants para itago ang kanilang ilegal na POGO operations.

Kaugnay nito, ipinunto ng kalihim na dapat mapigilan ng mga alkalde ang ganitong gawain sa pamamagitan ng regular na pagsuri sa mga establishimento para siguraduhin na kung ano ang nangyayari ay eksakto sa kung ano ang nilalayon nito.

Tinukoy ng DILG chief ang insidente sa Lapu-Lapu city kung saan nadiskubre ng mga awtoridad na “front” lang para sa POGO operations ang restaurant, hotel at bar.