-- Advertisements --

“No one is above the law”

Ito ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano kaugnay sa kontrobersiyal na pag-aresto ng mga pulis Makati sa tatlong abogado na umano’y kumakatawan sa Time in Manila Bar.

Ni-raid kamakailan at nakuhanan ng nasa P1.7 million halaga ng iligal na droga ang bar.

Ayon sa kalihim, ginawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho ng arestuhin nito ang tatlong abogado na umanoy nakikialam sa trabaho ng mga pulis.

“Hindi porket abogado, hindi na puwedeng hulihin lalo na kung mali ang ginagawa at nakakasagabal sa ligal na operasyon ng kapulisan. Matuto po sana tayong rumespeto sa mga pulis na tumutupad lang sa kanilang tungkulin na sugpuin ang iligal na droga,” pahayag pa ni Ano.

Pinuri ni Secretary Ano ang mga arresting officers at nanindigan sa kanilang tungkulin.

Sa kabilang dako, ayon naman kay DILG Spokesperson Jonatah Malaya, batay sa ulat ng Makati police bigla na lamang pumasok sa crime scene ang tatlong abogado na hindi man lang umano nakipag-ugnayan sa mga pulis.