Nais ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mailagay na ang buong bansa sa ilalim ng Alert level 1 upang maluwagana na ang restriksyon at mapaunlad ang ekonomiya sa gitna ng nagpapatuloy na pandemiya.
Ayon pa kay Ano inadjust na ng pamahalaan ang mga requirement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 gaya ng required na vaccination rate sa A2 population sa 70% mula sa dating 80%.
Maaari din aniyang mailagay na sa Alert level 1 ang mga munisipalidad base sa healthcare ultilization rate ng kanilang probinsiya.
Nauna na ring sinabi ni deputy spokesperson Undersecretary Kristian Ablan na plano ng pamahalaan na magshift ang bansa sa tinatawag na new normal bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo.
Sa kasalukuyan nasa ilalim ng maluwag na Alert level 1 at 2 ang iba’t ibang lugar sa bansa mula Abril 1 hanggang 15.