Nangako si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na kakasuhan ang anumang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na masasangkot sa partisan politics.
Sa isang pahayag noong Sabado, binigyang-diin ni Remulla ang kanyang pangako na ipapatupad ang batas laban sa mga PNP personnel na magiging bahagi ng pulitika.
‘I will not hesitate to have them charged and to make sure that the due process of law is observed. You have seen my record. I have a very low tolerance for malfeasance, especially in the PNP,’ ani Remulla.
Binigyang pansin din ni Remulla ang pagsusumikap ng DILG sa mga kasong isinampa laban sa mga tiwaling opisyal na sangkot sa 990-kilogram drug haul na nagkakahalaga ng PHP 6.7 billion noong 2022.
Samantala ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ang kapulisan ay mananatiling apolitical, impartial, at nakatuon lamang sa pagpapanatili ng kaayusan. Tiniyak din ni Marbil na hindi hindi nito hahayaan na mapabiling ang kapulisan sa anumang political partisans sa loob ng kanilang hanay.
Sinabi rin ni Remulla na buong suporta siya sa kampanyang ”Kontra Bigay” (anti-vote buying) na pinangungunahan ng Commission on Elections (Comelec), na nagsabing ito ay dapat samahan ng kampanyang ”Kontra Tanggap” (anti-receipt).