-- Advertisements --

Inatasan na ni Interior Sec. Eduardo Año ang lahat ng mga local government units (LGUs) na paigtingin pa ang mga hakbang upang sugpuin ang pagkalat ng novel coronavirus.

Sa isang pahayag, sinabi ni Año na kailangang tiyakin ng mga Department of the Interior and Local Government (DILG) regional directors, mga gobernador at mga alkalde na walang maitatalang kaso ng nasabing virus sa kanilang mga nasasakupan.

“We need to be preventive now that there is a confirmed 2019 nCoV case in the country. Our governors, city and municipal mayors and DILG regional directors must ensure that the coronavirus will not thrive in their backyards,” saad ni Año.

Ayon pa sa kalihim, dapat na kumonsulta ang mga local chief executives sa mga health officers sa kanilang lokalidad para sa mga safety measures, maging ang pagpigil at pagkontrol sa virus.

Nanawagan din ang opisyal sa mga LGUs na makipag-coordinate sa PNP at sa mga health authorities upang maprotektahan ang mga indibidwal na pinaghihinalaang dinapuan ng virus maging ang kanilang pamilya.

Sa nasabi ring mga opisyal nakasalalay ang pasya kung maglalagay ang mga ito ng checkpoints kung kinakailangan.

Samantala, binigyan na rin ng direktiba ang mga barangay officials na paigtingin pa ang kanilang cleanup drive sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura, at paglilinis ng mga kalsada at daanan ng tubig.

Wika ni Año, dapat ding magpamigay ang mga LGUs ng information materials ukol sa virus, gaya ng flyers, brochures, posters, at billboards.

“The lack of information or misinformation about the coronavirus engenders paranoia where coronavirus suspects, their next of kin, neighborhood, or community may be ostracized by the public at large,” ani Año.

“In extreme situations, lack of information or disinformation on coronavirus may even lead to social unrest in a community,” dagdag nito.