-- Advertisements --

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na walang credible threat sa ngayon kaugnay sa umano’y nilulutong pag-aaklas laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bagamat nagulat ang kalihim nang malaman ang umano’y destablilization move at idinagdag na mayroong solid na suporta ang Philippine National Police sa Pangulo.

Sakali man aniya na totoong may ganitong pinaplanong hakbang, hindi umano nila ito papatulan.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos nga na ibulgar ni dating Senator Antonio Trillanes IV na mayroong mga aktibong senior members ng PNP ang nagrerecuit ng kanilang mga kasama para makibahagi sa panibagong destabilization plot laban sa presidente.

Sinabi din ng Senador nitong Martes na ilang mga police personnel ang natukoy na nagrerecruit simula pa noong 2023.

Subalit una ng sinabi ng PNP na wala silang namomonitor na may ilang aktibo at retiradong pulis ang nagbabalak na magsagawa ng pag-aaklas laban sa gobyerno.