CENTRAL MINDANAO – Hanggang ngayon ay walang tinanggap na suspension order ang North Cotabato DILG Provincial office laban kay Cotabato Governor Nancy Catamco.
Wala ding tinanggap ang kampo ni Catamco sa 90 days suspension order mula sa Sandiganbayan.
Ayon kay DILG Cotabato Director Ali Abdullah na ang karaniwang proseso sa pagsisilbi ng suspension order ay pangungunahan ng Regional DILG office.
Samantala sa panayam kay DILG Secretary Eduardo Año kinomperma nito na hawak na nila ang suspension order ni Catamco at kumikilos na ngayon ang kanyang tanggapan sa bagay na ito.
“Ito ay kararating lamang mula sa Sandiganbayan at ipapatupad ito agad pagkatapos na tinatawag na pagsunod sa mga legal na pangangailangan (Ang order ay dumating sa opisina mula sa Sandiganbayan at ipapatupad natin ito matapos nating sundin ang legal verification requirements),” ani Año.
Ipinaliwanag ni Año na sa pagtanggap ng order, dapat tiyakin ng tanggapan na ito ay “docketed” at kailangan upang makakuha ng legal na mga papeles bago ito ipatupad.
Nilinaw ng opisyal na umaabot ng 15 araw hanggang 30 araw bago ipatupad ang kautusan dahil dadaan pa ito sa legal na proseso.
Nilagdaan ng anti-graft court ang preventive suspension laban kay Catamco dahil mandatory order ito sa ilalim ng “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” upang pigilan siya na gamitin ang posisyon ng kanyang pamahalaan sa kanyang kalamangan.
Una ng binigyang diin ng legal team ni Catamco na si Atty. Nikki Marasigan na patuloy ang panununkulan ng gobernadora sa kapitolyo para ka kapakanan ng taong bayan.