-- Advertisements --

Nagsama ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE) at Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagpirma ng joint memorandum circular sa implementing guidelines ng hiring, training at deployment ng nasa 5,754 na contact tracers.

Ang nasabing mga contact tracers ay ipapakalat sa National Capital Region sa loob ng tatlong buwan simula ngayong buwan.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang nasabing bilang ay mas marami ng 1,000 sa naunang 4,754 na contact tracers na unang iminungkahi ng DOLE na kanilang kukunin para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Worker o TUPAD Program.

Aabot sa 13,304 ang nag-aplay kung saan 2,696 ang na qualified na.

Sa 5,754 na contact tracers, 1,347 ang ipapakalat sa Quezon City, 713 sa Caloocan City, 707 sa Manila, 349 sa Pasig, 333 sa Taguig at 302 sa Paranaque, 278 sa Valenzuela, 259 sa Makati, 234 sa Muntinlupa, 268 sa Las Pinas, 209 sa Marikina, 192 sa Pasay, 171 sa Mandaluyong, 161 Navotas, 152 sa Malabon, 47 sa San Juan at 32 sa Pateros.

Noong Enero ay mayroog 2,381 contact tracers sa NCR ang kinuha ng DILG na magtatrabaho hanggang anim na buwan.

Nakasaad sa memorandum na mayroong P280.714 milyon ang ilalaan sa mga contact tracers o sasahod ng P537 kada araw.