-- Advertisements --

Plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na atasan ang mga local government unit na isali ang pagbibigay ng safety seal sa mga magrerenew ng kanilang business permit.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing na marami sa mga establishimento sa Metro Manila ang hindi nakakuha ng safety seal noong nakaraang mga buwan.

Isa rin aniya itong dahilan kaya hindi naibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Ang mga Local Government Units, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang nagbibigay ng mga safety seals.

Inamin ng DTI na magkakaroon ng kumpiyansa ang isang consumer kapag ang establishimentong pinupuntahan nila ay mayroong safety seal.