-- Advertisements --

Humirit si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa mga Local Government Unit (LGU) na dapat bigyan ng hazard pay ang mga empleyado ng barangay.

Ayon kay Diño na hindi kasama sa listahan ang mga opisyal ng barangay sa benepisyo at kumpensasyon na matatagpuan sa website ng Department of Budget and Management.

Dagdag pa nito na tulad aniya ng mga kapulisan at ilang empleyado ng gobyerno ay nagsisilbing mga frontliners ang mga barangay employee.

Mahalaga aniya ang trabaho ng mga ito lalo ngayong panahon ng pandemiya kung saan sila ang nangunguna sa bawat barangay.

Madalas aniya sila ang na-eexpose dahil sila ay nagbibigay ng mga quarantine pass.

Umaabot na ngayon sa mahigit 1,000 mga barangay employee na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa at mahigit 500 sa mga ito ay nasawi.