-- Advertisements --

Hindi na papalawigin pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamamahagi ng cash aids sa mga residente na apektado ng mahigpit na community quarantine sa National Capital Region (NCR) Plus.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano na hanggang Mayo 15 na lamang ang nasabing pamamahagi ng ayuda sa NCR, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Wala na rin aniyang dapat na extension ito dahil sa napalawig na ito mula ng umpisahan ang pamamahagi noong Abril.

Halos lahat na rin aniya ng mga LGU ay naipamahagi na ang mga ayuda para sa mga naapektuhan ng modified enhanced community quarantine.

Mahigpit din nagpaalala ang kalihim sa mga local government unit na sundin ang ipinalabas nilang kautusan na mahigpit na ipagbabawal ang pagkakaroon ng mass gatherings.