-- Advertisements --

Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na isumbong ang mga establisyemento na lumalabag sa mga health protocols.

Sinabi DILG Undersecretary Jonathan Malaya na maaring matanggal ang ibinigay nilang safety seal sa mga establisyementong nakitaan ng paglabag.

Ilan sa mga inihalimbawa nitong mga paglabag ay ang overcrowding na nalalabag na ang social distancing.

Kapag natanggal na ang kanilang safety seal ay pagbabawalan na silang mag-operate ng 10-percent additional capacity at matatanggal ang kanilang business sa mga paulit-ulit na violators.