-- Advertisements --

Hinikayat ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na magpatulad ng mga pamantayan sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Ginagawa ni Interior Sec. Jonvic Remulla ang naturang pahayag upang mabawasan ang bilang ng mga naitatalang fireworks related injuries sa bansa.

Ayon kay Remulla, kailangang higpitan ng mga LGU ang mga residente sa paggamit ng paputok at magtalaga ng mga community fireworks display na may kaukulang permits.

Ipinag- utos rin ng kalihim ang pagsasagawa ng public awareness campaign hinggil sa mga panganib na dulot ng paputok.

Pinatitiyak naman ng kalihim sa pamunuan ng Bureau of Fire Protection na ang lahat ng mga itinalagang lugar para sa fireworks display ay sumusunod sa mga panuntunan sa ilalim ng Republic Act No. 9514 o kilala sa tawag na Fire Code of the Philippines.

Ipinag–utos na rin ni Remulla sa PNP na paigtingin ang kanilang mga operasyon laban sa mga ilegal na paputok .

Muli namang nanawagan ang kalihim sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon at sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay.