-- Advertisements --

Hinimok ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong araw ang publiko na i-report ang mga vote buying incidents sa kanilang lugar.

Sa isang panayam, iginiit ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kailangan nila ang tulong ng mamamayan.

Kung wala aniyang magrereklamo, hindi naman daw nila mapipigilan na mangyari ang insidenteng ito.

Ayon kay Malaya, ang mga concerned citizens na nais mag-report ng isang vote buying incident ay maaring gumawa ng kanilang affidavit na notarized ng isang abogado at i-forward ito sa local office ng Comelec.

Bukod sa pagpunta sa Comelec, maari rin daw na ipadala ng mga concerned citizens ang kanilang report sa PNP o sa NBI.

Sinabi ni Malaya na maaring mag-assist ang PNP at NBI sa mga concerned citizens sa paggawa ng isang affidavit ng kanilang report at sa processing din ng kanilang mga dokumento.