Naglabas na ng pahayag ang Department of the Interior and Local Government hinggil sa temporary protection order na inilabas ng Davao City RTC Branch 15 .
Ayon sa ahensya. magpapatuloy ang paghahain nito ng warrant of arrest laban kay KOJC Pastor Apollo Quiboloy at sa iba pang kapwa akusado nito.
Paliwanag ni DILG Secretary Benhur Abalos, hindi nabanggit sa naturang temporary protection order ang pagbabawal sa paghahain ng arrest warrant sa puganteng pastor.
Malinaw rin aniya na walang kautusan ang Davao RTC na lisanin ng PNP ang lugar.
Tiniyak rin nito na pananatiliin nila ang pag respeto sa karapatang pantao ng bawat miyembro ng KOJC at ang legal na proseso.
Dagdag pa ni Abalos na kanilang itataguyod ang kabanalan ng justice system at rule of law ng bansa.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na paburan ng korte ang kahilingan ng Kingdom of Jesus Christ .
Ipinagutos ng korte sa PNP na alisin ang lahat nang uri ng barricades, barriers or blockades na haharang sa pagpasok ng mga miyembro ng KOJC na nagiging sanhi para pigilan ang karapatan ng mga miyembro ng KOJC, religion freedom at academic rights
Nilinaw rin ni Abalos na ang mga barikada ng PNP sa compound at ang kanilang operasyon ay hindi banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng mga miyembro ng KOJC.