-- Advertisements --

Inalerto ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG)
Secretary Eduardo Año ang lahat ng mga LGUs hanggang sa mga barangay kaugnay sa posibleng pagkalat ng mga pekeng Pfizer COVID-19 vaccines.

dilg secretary eduardo ano
DILG Secretary Eduardo Año

Ginawa ng kalihim ang babala matapos maglabas din nang abiso ang World Health Organization (WHO) sa posibleng mga pekeng bakuna sa merkado.

Sa naunang global medical product alert ng WHO, tinukoy nito ang vaccine na may pangalang “BNT162b2” na umano’y gawa ng Pfizer Biontech na hindi naman pala totoo.

Kaugnay nito, pinag-iingat ni Secretary Año ang mga local executives na siguraduhin na ang kanilang mga vaccine sources o kaya ay mga chain of supply ng lahat ng mga medical products lalo na ang COVID-19 vaccines ay magmumula sa mga otorisado at lisensyadong mga suppliers.

“While there is no information yet on the presence of the fake vaccines in the country, LGUs should exercise increased diligence as these fake vaccines may be dangerous to the health of those who get inoculated,” ani Año