Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang inindorso kay Pangulong Rodrigo Duterte ang naging rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) na pagpapalawig nang isang taon sa Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, batay sa naging pahayag ni Interior OIC Sec. Catalino Cuy, ang panukala ng PNP ay dahil sa kahalagahan ng pagtugon sa nagpapatuloy na banta mula sa mga teroristang grupo sa Mindanao lalo na ang mga remnants ng Maute-ISIS terror group.
Sinabi na Malaya na dahilan din sa pag-endorse nila rito ay para i-facilitate ang Marawi rehabilitation na siyang prayoridad ng Duterte administration.
“As to Marawi, the area has to be secure to facilitate rehabilitation. If there is continuing threat, the rehab efforts will be stifled or hampered. Spending billions on rehab might be rendered useless if the radical extremist groups are not completely neutralized. We cannot allow another Marawi to happen,” pahayag ni Malaya.