-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga posibleng paglabag ng local government unit sa paglibing ng mga namatay sa COVID-19 sa Panay.
Ito ay kasunod ng pagsuspinde sa operasyon ng nag-iisang crematorium sa Panay matapos ang pagsalansan sa mga bangkay na namatay sa virus.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Anthony Andaleza, focal person ng DILG Region 6, sinabi nito na ayon sa DILG memorandum circular No. 2020-063, nararapat na ilibing ang namatay sa virus sa hukay na may lalim na isa at kalahating metro.
Nilinaw ni Andaleza na ang mga namatay sa COVID-19 ay hindi maaaring ilibing sa nitso upang hindi pagmulan ng pagkalat ng virus.