Inirekomenda na ng Department of Interior and Local Government kay PBBM na isailalim na ang buong Metro Manila sa state of calamity dahil sa walang humpay na mga pag-ulan na nagdudulot ng mga pagbaha.
Sa ilalim ng state of calamity, nabibigyan ang mga LGU ng access sa mga karagdagang pondo para sa pagtugon sa kalamidad, kasama na dito ang paglalatag ng price freeze sa mga basic goods.
Kaninang umaga ay una na ring pinangunahan ni PBBM ang isang situation briefing na dinaluhan ng mga member agencies ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Headquarters ng konseho sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Dito ay iprinisenta ng mga ahensiya ang kanilang opisyal na datus ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat.
Kabilang dito ang DSWD, Department of Transportation, Department of Interior ang Local Government, at iba pa.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr, naglabas na rin ito ng mga directiba sa mga LGU upang pabantayan ang mga sitwasyon sa ground level, tumulong sa mga evacuation.