Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government sa Office of the Ombudsman na maglabas ng preventive suspension order laban sa kontrobersyal na alkalde ngayon ng Bamban. Tarlac na si Alice Guo.
Kasunod ito ng ginawang sariling imbestigasyon ng binuong Task Force ng DILG hinggil sa mga ilegal na mga aktibidad ng Philippine Gaming Operation na iniuugnay ngayon kay Guo.
Ayon kay Interior Sec. Abalos, ang rekomendasyon niyang ito na pagsususpindi kay Guo ay layuning maiwasan na makapang-impluwensya pa ito sa sinuman sa kasagsagan ng pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon ng pamahalaan laban sa kaniya.
Kaugnay nito ay Inihayag naman ng kalihim na handa ang kanilang kagawaran na makipagtulungan sa Ombudsman, gayundin sa iba pang mga investigative bodies kaugnay sa isyung ito na bahagi aniya ng kanilang shared mission sa pagpoprotesta sa local institution and public interest.
Kung maaalala, kabilang sa mga kasong iniuugnay kay Mayor Guo ay mga kasong may kaugnayan sa human trafficking, torture, at illegal detention ng nabistong ilegal na POGO hub na iniuugnay din sa kaniya.
Matatandaan din na nag-ugat ang pagiging kontrobersyal Guo matapos na maging kuwestiyonable ang kaniyang Filipino citizenship, at maging ang kaniyang background sa kasagsagan ng ginawang pagdinig sa kaniya sa Senado.