Ipapaubaya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila pagdating Setyembre 8.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kanilang susuriin at pag-aaralang mabuti ang nasabing pilot project bago isumite sa pangulo para sa aaproval.
Nauna ng sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secetary Ramon Lopez na makakatulong sa ekonomiya ang granular lockdown na dumaranas na ngayons a ilang linggong community quarantine.
Kapag sumailalim aniya sa granular lockdown ay mas maraming mga negosyo ang papayagang mag-operate.
Magugunitang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 7 ang Metro Manila para mapigil ang pagkalat ng Delta variant.