-- Advertisements --
Mahigpit ang bilin ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno sa Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang armadong grupo na nanambang sa mga pulis sa Bansalan, Davao Del Sur kahapon.
Inatasan ni Sueno si PNP chief Ronald Dela Rosa na sa lalong madaling panahon ma neutralized ang mga suspek.
Una nang tinukoy ng PNP na mga rebeldeng NPA ang responsable sa pananambang.
Nagpahatid na ng pakikiramay ang kalihim sa naulilang pamilya ng mga pulis kasabay ng katiyakan na tutugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.
Pinag-iingat din ang mga pulis sa pagtupad sa kanilang tungkulin upang hindi magaya sa nangyari sa Bansalan.
Apat na pulis ang nasawi habang isang ang sugatan sa ambush.