-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paglilinis at declogging ng mga drainage system para maibsan ang posibleng pagbaha, bilang parte ng kanilang paghahanda para sa pagtama ng bagyong Marce.

Ayon kay Usec. Serafin Barreto Jr., alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Jonvic Remulla, naglabas na rin sila ng paalala sa mga regional directors na ihanda na lahat ng evacuation areas at gawin ang lahat ng paghahanda partikular na sa deployment ng kapulisan, mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para maging mabisa sakaling magkaroon ng emergency operations.

Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni Usec. Serafin Barreto Jr.

Samantala, ani Barreto, patuloy ang kanilang ginagawang public information campaign para maging handa ang publiko sa pagdating ng bagyong Marce.

Kasabay nito, inuuna rin daw nila ang traffic management para mas mapangasiwaan pa ng maayos ang daloy ng pagpapaabot ng tulong o relief operations.