-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng Department of Interior ang Local Government (DILG) ang agarang imbestigasyon sa diumano’y paggamit ng isang fire truck pang-refill sa isang private pool sa Taytay, Rizal.

Sa isang inilabas na memorandum na nilagdaan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. noong August 16, inatasan niya si BFP chief Fire Director Louie Puracan na agad na kumpirmahin kung totoo ang kumakalat na isyu at magsagawa ng imbestigasyon.

Inatasan din ni Abalos si Pucan na alamin ang mga BFP personnel na sangkot dito.

Inaasahang magsusumite naman ang BFP Chief ng karagdagang ulat kay Abalos sa lalong madaling panahon.