Mariing kinondena ng DILG nitong araw ang suspected NPA rebels sa pagpaslang sa isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Agusan del Sur.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, pinaslang ng limang suspected NPA rebels si Felipe Amado, 42, habang lumalahok sa Brigada Eskwela sa Lydia Elementary School sa bayan ng La Paz noong Mayo 30.
Sinabi ni Año na lulan ng isang motorsiklo si Amado kasama ang kanyang angkas at pabalik na sana sa nasabing bayan matapoos na kumuha ng nipa leaves na gagamitin para sa construction ng isang pansamantalang silid aralan nang siya ay barilin-patay.
“Talagang wala nang pinipiling pagkakataon ang NPA basta makapatay lang ng puwersa ng gobyerno (The NPA is just out to kill members of state forces). Acts like this are typical of a classic NPA move, right on their lane, in their playbook, saad ni Año sa isang statement.
Binigyan diin ng kalihim na ang insidenteng ito ay nagpapakita lamang ng kawalan ng “genuine aspiration” ng NPA tungo sa isang pangmatagalang kapayapaan para sa mamamayang Pilipino.
Dapat na magising na rin aniya ang NPA sa kanilang “hullucinations and twisted ideology” at umanib na sa gobyerno patungo sa isang mas magandang bansa.
Hinimok din niya ang mga lider ng NPA na makibahagi sa mga local peace talks at makipagusap sa mga lokal na opisyal.