-- Advertisements --
rescue army AFP floods typhoon

Kinumpirma ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, nasa 14 ang validated fatalities sa bagyong Ulysses habang tatlo ang nawawala.

Paglilinaw ni Año, ang datos na inilabas ng AFP at PNP ay subject for validation ng council.

Nanawagan naman ang NDRRMC sa publiko na huwag malito sa mga inilalabas na datos ng fatalities kaugnay sa bagyo ng security cluster.

Binigyang-diin naman ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na ang natatanggap nilang datos ay mula mismo sa mga local DRRMCs.

Sa ulat naman ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay nasa 40 ang naitalang nasawi sa hagupit ng bagyo.

Sa iprinisentang datos ni Gapay, 27 ang naitalang nasawi ng Philippine National Police, walo ang bilang ng Armed sa Forces of the Philippines at lima ang naiulat ng Bureau of Fire Protection.

Umabot naman sa 34 na indbidwal ang nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo habang 24 ang nawawala o missing.

Ayon kay Gapay, nagpapatuloy pa rin ngayon ang search, rescue and retrieval operations sa ilan pang binahang mga lugar.

Dagdag pa ni Gapay, nasa kabuuang 803 SRR teams ang naka-deploy kung saan nasa 14,000 ang land SRR assets ang naka-mobilize, habang umaabot sa 11 aircraft at 318 water craft ang tumutulong din.

floods rescuers marikina typhoon

Dineploy na rin ng AFP ang amphibious assault vehicle ng Philippine Marines sa Rodriguez, Rizal para tumulong sa rescue and retrieval operations.

Samantala, iniulat naman ni PNP chief Gen. Debold Sinas na lahat ng road sections sa Metro Manila ay passable na sa ngayon.

Ito ay base sa isinagawa nitong aerial inspection kaninang umaga.

Siniguro ni Sinas na tutulong ang PNP sa mga LGUs sa gagawing mga clearing operations.