-- Advertisements --

Kuntento si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng mga local government units sa kanilang disaster preparedness and response operations.

Ayon kay Año natuto na ang mga LGUs at ginagawa na ng mga ito ang kanilang mga trabaho lalo na kapag may mga natural disasters gaya ng Bagyo.

Aniya, 90 percent ng mga local government officials ay nasa kani- kanilang mga lalawigan nuong kasagsagan ng Bagyong Rolly bukod na lamang sa 10 opisyal na wala sa kanilang mga lugar.

Sinabi ni Año kaniyang pagpapaliwanagin ang 10 opisyal.

Umaasa ang kalihim na magtuloy-tuloy ang magandang performance ng mga LGUs.

Ang mababang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa Supertyphoon Rolly ay dahil sa isinagawang preemptive evacuation lalo na duon sa mga tinaguriang danger zones.

Binigyang-diin naman ng kalihim na ang kanilang pakatutukan sa ngayon ay kung paano mapanatili ang komunikasyon sa mga lugar ba apektado ng bagyo.