-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na nag-aatas sa mga local government units para paghandaan ang posibleng pagtaas ng kaso ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kagaya ng ginagawang paghihigpit ng PNP at LGU ay titiyakin nilang nasusunod ang community protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Sa ngayon ay mahalaga na ipatupad ng mga LGU ang pag-obserba ng minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng nasabing Delta variant.
Pinaalalahanan din nito ang mga mamamayan na magpabakuna na dahil ito aniya ang talagang panlaban sa Delta variant.