Nakatakdang maglabas ng memorandum ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit para hikayatin ang mga ito na gumawa ng local ordinansa para matiyak na nasusunod ang minimum health standards at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kasunod ito ng pagpapaluwag ng quarantine protocols sa ilang mga bayan at lungsod sa bansa.
Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing Jr na kabilang din sa nasabing ordinansa ang mga local travellers o mga nagtutungo sa iba’t-ibang lugar.
Ilan sa mga inihalimbawa nito ay ang mahigpit na pagsusuot ng facemask at face shield sa tuwing nasa pampublikong lugar at ang pagpatupad ng social distancing.
Magugunitang niluwagan ng Inter-Agency Task Force for infectious diseases ang pagbiyahe sa pamamagitan ng hindi na pag-requirer sa mga biyahero na kumuha ng medical certificate at travel authority.