-- Advertisements --

Makakatanggap ng warning mula sa Department of Tourism (DOT) ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan matapos na lumagpas sa carrying capacity ng Boracay ang mga turistang pinayagang makapasok sa naturang isla noong Holy Week.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na ang siyang maglalabas ng naturang warning.

Bago aniya nagkaroon ng pandemya, sinabi ni Puyat na nagbigay sila ng carrying capacity sa pamamagitan ng Boracay Inter-Agency Task Force.

Ang carrying capacity aniya dapat ng Boracay Island ay 19,000 lang pero noogng Holy Week pumalo ito sa 21,000 hanggang 22,000.

Kahapon, Abril 18, nanawagan ang DOT sa mga awtoridad na aksyunan ang breach na ito.

Inabisuhan na ng kagawaran ang DILG at Department of Environment and Natural Resouces (DENCR) sa issue na ito at hinimok ding kumilos sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay hindi na ito maulit pa sa susunod.