-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbabala ang Department of Interior and Local Government sa mga hindi naniniwala sa COVID-19 vaccine.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, sinabi nito na higit isang taon na naghintay ang Pilipinas na dumating ang COVID-19 vaccine.
Kaya ngayon na dumating na ang supply ng bakuna, mas mainam anya na huwag nang maging pihikan lalo na kung nasa priority list at maniwala sa kahalagahan nito upang malabanan ang COVID-19.
Ayon kay Densing, kapag patuloy na nagmamatigas ang publiko na magpabakuna, posibleng magpapatuloy lang ang paglobo ng COVID-19 cases.