-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 56 19
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Binalaan ni Department of Interior and Local Goverment (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga local government officials na mahaharap sila sa kaparusahan kapag hindi sumunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatigil ng mga sugal na pinapatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng kalihim ang sinumang opisyal ng bayan na manghihimasok sa ginagawang pagpapasara ng kapulisan ay kanilang sasampahan ng kaukulang kaso.

Naniniwala si Año na kaya pinatigil ng pangulo ang operasyon ng PCSO ay para hindi na lumala pa ang nagaganap na kurapsyon.

Magugunitang ipinag-utos ng pangulo sa mga kapulisan at kasundaluhan sa bansa na ipasara ang lahat ng gambling operation ng PCSO matapos na makatanggap ito ng impormasyon sa laganap na kurapsyon sa opisina.