-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato sa 2022 elections na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasagawa ng rallies.

Ito ay dahil sa patuloy pa rin ang banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año na hind pa aniya panahon ng pangangampanya kaya ito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Maaring papayagan lamang ay ang caravans at motorcades dahil sa naoobserbahan dito ang mga physical distancing.

May itinakda rin ang Inter-Agenc Task Force (IATF) kung ilan lang ang papayagang dumalo sa mga pagtitipon.