-- Advertisements --
May mga pangalan ng isinumite si Department of Interior ang Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na PNP Chief.
Ayon sa kalihim, kinabibilangan ito nina Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan, Police Major General Guillermo Eleazar at Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa.
Isinumite nito ang nasabing listahan noon pang Oktubre 17.
Si Gamboa ay kasalukuyang officer-in-charge na PNP chief habang si Cascolan ay kasalukuyang nakatalaga sa deputy chief for operations habang si Eleazar ay kasalukuyang chief of the directorial staff.
Magugunitang maagang bumaba sa puwesto si PNP chief Oscar Albayalde bago pa man ang kaniyang mandatory retirement sa Nobyembre.