Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroon silang sapat na contact tracers lalo na ngayong patuloy muli ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano, na naging agresibo ang mga local government units sa paglaban ng banta ng Omicron coronavirus variant.
Ipinatupad aniya nila ang Preventioin and Detection, Isolation and Treatment at Rehabilitaion plus vaccination.
Aabot sa mahigit 80,000 na contact tracers ang ipinakalat nila habang mayroong mahigit 284,000 na mga medical personnel at mahigit 68-K na mga support staff.
Mayroon aniyang sapat pa rin na isolation at quarantine facilities ang bansa.
Mahigpit din na sinusunod ng PNP ang kautusan ng Pangulo na magbantay sa mga quarantine hotel para walang makatakas sa mga nakatakdang magpa-quarantine.