-- Advertisements --

Napatay ang umano’y isang most wanted person sa ikinasang operasyon ng AFP at PNP sa RT Lim Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang nasawing suspek na si Rasol Motabil Canda, mymebro ng Communist Group at DILG Most wanted person.

Sa inilabas na impormasyon mula sa Police Regional Office 9, pinaputukan umano ni Canda gamit ang kanyang calibre 38 na pistola ang mga tauhan ng 44th Infantry Battalion Philippine Army at 2nd Provincial Mobile Force Company na magsisilbi sana umano ng warrant of arrest laban sa kanya,dahilan na nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta naman sa pagkakapatay sa suspek.

Ayon sa report, ang suspek ay nahaharap sa mga kasong Murder, at Rape with Homicide kung saan mayroon pang monetary reward na nakapatong sa ulo nito.

Samantala, narekober sa crime scene ang isang calibre 38 revolver mga bala at isang fragmentation grenade na umano’y pagmamay-ari ni Canda.