Nag-isyu ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng show cause orders sa 48 mga lokal na pamahalaan para magpaliwanag sa mabagal na pamamahagi ng ayuda sa mga typhoon Odette survivors.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nagpalabas aniya sila ng show cause order sa anim na rehiyon.
Kabilang dito ang Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), 16 LGUs mula sa Western Visayas, 13 LGUs sa Central Visayas, at 16 LGUs sa Eastern Visayas.
Ang mga local government units naman sa Northern Mindanao at Caraga na nagsasagawa din ng pamamahagi ng financial aid na nasalanta din ng nagdaang bagyo ay hindi inisyuhan ng show cause order,
Maalala noong Disyembre ng nakalipas na taon, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pamamahagi ng P1,000 sa bawat biktima ng bagyong Odette habang aabot sa P5,000 naman sa kada pamilya.