ROXAS CITY – Nag-isyu ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa alkalde ng bayan ng Dao, Capiz dahil sa di-umano’y paglabag nito sa ilang alituntunin sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Binigyan ng 48 oras si Mayor Ernesto Escutin para magsumite ng kanyang explaination letter sa DILG office.
Maliban kay Escutin ay naglabas din ng show cause order ang DILG sa ilang mga opisyal ng gobyerno na kinabibilangan nina Abra Governor Jocelyn Bernos, Antique Governor Rhodora Cadiao, Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri, Noveleta Cavite Mayor Dino Reyes Chua, Talisay Batangas Mayor Gerry Natanauan at Olongapo City Mayor Rolen Paulino.
Nag-ugat ang nasabing utos ng ahensiya matapos lumabag sa quarantine directives ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IARF-MEID) ang nasabing mga opisyal.