-- Advertisements --
LAOAG CITY – Nagbabala ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) sa mga empleyado ng pamahalaan na huwag ikampanya ang sinumang kandidato sa eleksyon sa 2022.
Ayon kay Roger Daquioag, pinuno ng DILG sa Ilocos Norte, dapat iwasan ng mga empleyado ang pagkakampanya sa mga kandidato dahil labag ito sa Civil Service Rules and Regulations.
Naiintindihan umano niya na may sinusuportahan ang mga ito na kandidato ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang pagkampanya sa publiko para sa partikular na kandidato.
Sinabi naman nito na maaaring magreport ang kahit sino at kailangan mayroong ebidensya na lumabag ang isang empleyado sa patakaran.
Dagdag nito na sinuman ang mapatunayang lumabag sa patakaran ay maaaring matanggal sa serbisyo.