-- Advertisements --

Nagbabala ang DILG na pananagutin ang mga LGU na masosobrahan sa pagluluwag kahit nasa alert level 3 pa rin ang kanilang lugar.

DILG Usec. Epimaco Densing III
DILG Undersecretary Epimaco Densing III

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, nangyayari ang pagpapabaya nang magbukas na ang ilang lugar, kung saan isinabay naman ng LGUs ang mga palaruan.

Giit ni Densing, nakasaad sa guidelines na hindi pa pinahihintulutan ang pagbubukas ng mga playgrounds at parke para sa mga bata.

Ginawa ng DILG ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na may ilang malls na pinapayagan na ang mga bata sa kanilang arcades.

Pagsasabihan din aniya ang mga lokal na opisyal na bantayan ang mga madalas dayuhin ng mga tao, para agad maitama ang mga maling hakbang ng mga lokal na pamahalaan.