-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government executives na mahigpit na magpatupad ng minimum public health standards lalo na sa mga public events at gatherings ngayong panahon ng Semana Santa.

Ipinahayag ito ni DILG Secretary Eduardo Año upang matiyak aniya na hindi magiging superspreader event ang mga pagtitipon na ito.

Bukod dito ay kinakailangan din aniyang maging handa ang mga LGU officials pagdating sa iba’t-ibang health at security concerns na posibleng umusbong sa panahong ito.

Dahil dito ay dapat aniyang magpulong ang mga local peace and order council para paghandaan ang paggalaw ng mga tao at makipag-ugnayan sa mga law enforcement units.