-- Advertisements --

Nagpahayag ng pangamba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa pagtake down ng Facebook sa ilang network pages na may kaugnayan sa PNP at AFP dahil umano sa paglabag sa polisiya nito ang Coordinated Inauthentic Behavior (CIB).


Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, nakakabahala ang ginawa ng facebook dahil bigla na lamang nila tinanggal ang mga nasabing accoount ng walang ginawalang konsultasyon at hindi man lamang binigyang ng due process.

Giit ni Ano ang mga nasabing pages ay mga private accounts at dapat may garantiya ang mga ito maipahayag ang kanilang saloobin lalo na sa mga major issues sa ilalim ng Philippine Constitution and Philippine laws.

Ayon sa kalihim nasa kabuuang 57 Facebook accounts, 31 pages, at 20 Instagram accounts mula sa Pilipinas ang tinanggal ng Facebook.

Aniya, hindi naging transparent ang Facebook sa pagsagawa nito ng imbestigasyon hinggil sa kinukwestiyong Facebook accounts.

Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan sinabi nito na ang kanilang 1,585 official social media pages and networking sites na pag-aari at mina mantene ng PNP ay aktibo pa rin at operational hanggang sa ngayon.

Inihayag ni Cascolan na nakatanggap sila ng reply mula kay Mr. Rob Abrams, Trust and Safety Manager for Asia Pacific of Facebook Singapore, na natanggap nito ang kanilang ipinadalang sulat.

Sa ngayon hinihintay pa rin ng PNP ang tugon ng Facebook hinggil sa kanilang hiling na ibigay ang listahan ng mga accounts na kanilang na takedown.

Una ng inihayag ng PNP na kanila ng iniimbestigahan ang nasabing usapin.